PCG, TINULUNGAN ANG ISANG CHINESE CREW NA AKSIDENTENG NASUGATAN ANG HINLALAKI HABANG PAPAALIS NG ANTIQUE

 


Nagsagawa ng medical evacuation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang Chinese crew na aksidenteng nasugatan ang hinlalaki nito habang papaalis sa Semirara Port, Caluya, Antique.

Ayon sa PCG, kinilala itong isang 35-anyos second enginees ng Hongkong-flagged bulk carrier, MV BBG Qinzhou.

Sinasabing aksidenteng nasugatan ng isang fan blade o metal ang isang daliri nito na nagresulta ng matinding sakit at nangangailangan ng hospital treatment.

Nagpadala naman ng apat na medical personnel ang PCG upang bigyan ng medical treatment ang naturang Chinese crew.

Samantala, nakatakdang tutungo ng Tanjung Bara, Indonesia galing sa Nansha, China ang nasabing barko nang mangyari ang insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog