Nagmamadaling kinuha ng China Coast Guard sakay ng rigid
hull inflatable boats (RHIBs) ang mga suplay na pagkain na inihatid para sa mga
sundalong Pinoy na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Mayo.
Maliban sa pag-agaw ay itinapon pa ng CCG ang mga ito sa pag-aakalang
construction materials ang laman ng mga food packages.
Ayon Commodore Roy Vincent Trinidad, PN spokesperson for
WPS, wala aniyang “common sense” ang CCG dahil hindi naman maaaring ma-airdrop
ang mga construction materials.
Bagama’t nakakuha umano ng isa mula sa apat na mga food
packages ang ilang tauhan ng China, tiniyak naman ni AFP Chief General Romeo
Brawner Jr. na puro pagkain ang laman ng mga iyon.
0 Comments