Photo Courtesy: fit_aitana/Instagram |
Hinahangaan ng mga netizens sa bansang Spain ang isang
digital content creator at model na si “Aitana Lopez”.
Sa taglay ba namang ganda ng model, sino ang hindi mahuhumaling?
Photo Courtesy: fit_aitana/Instagram
Ngunit sa likod ng napakagandang imahe ng 25-anyos na
model ang lihim na hindi pala ito tao kundi gawa lamang ng AI o artificial
intelliegence.
Sa Instagram account ni Aitana, mayroon itong 306k
followers at isa siyang “gamer at heart” at “fitness lover”.
Binansagan din ang 25-anyos pink-haired woman na “Barcelona’s
Digital Muse”.
Si “Aitana Lopez” ay obra ni Rubén Cruz, founder at
designer ng “The Clueless” agency.
Photo Courtesy: fit_aitana/Instagram |
Sa isang ulat, naisipan daw nilang gumawa ng sariling AI
influencer/model dahil laging nagkakaroon ng mga aberya sa mga “tunay na taong”
influencers at models na kinukuha nila.
Kaya naman, naisipan nilang isilang si Aitana, isang
25-anyos na pink-haired woman na may magandang pangangatawan.
Napag-alamang si Aitana ay may kakayahang kumita ng €10,000
buwan-buwan o mahigit ₱608k sa Philippine peso.
Ayon kay Cruz, mas mainam na raw si Aitana kaysa sa
influencers o models na “mahirap kausap.”
Photo Courtesy: fit_aitana/Instagram |
Dahil dito, ikinababahala ang posibilidad na pagdating ng
araw na mawalan ng trabaho ang mga tunay na influencers, celebrities, o models na
puwedeng mag-endorso dahil gagawa na lamang ng AI.
0 Comments