LALAKI, PINEKE ANG DEATH CERTIFICATE UPANG TAKASAN ANG RESPONSIBILIDAD SA KANYANG MAG-INA

 


Isang lalaki sa Kentucky, USA ang pumeke ng kanyang death certificate upang makaiwas sa pagbabayad ng mahigit US$100,000 o PHP5,649,100 bilang child support sa dating asawa.

Gamit ang ninakaw na log in details mula sa isang doktor ay na-access ng 39 anyos na si Jesse Kipt ang death registry system ng Hawaii kung saan inirehistro nito ang sarili bilang “deceased”

Inamin din nito na bukod sa death registry ay nagawa rin niyang pasukin ang iba pang database ng US government kabilang ang state websites ng Arizona, Hawaii at GuestTek Interactive Entertainment Ltd and Milestone Inc.

Dahil dito ay nahaharap si Kipt sa pitong taong pagkakakulong at pinagbabayad sa mga corporate at government networks ng tig-US$79,000 o PHP4462789.

Hindi rin nito matatakasan ang responsibilidad bilang ama dahil batay sa plea agreement, kailangan din niyang magbigay ng nararapat na sustento sa kanyang anak sa ex-wife. | MA JOY REYES

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog