Usap-usapan ngayon na masayang ine-enjoy ng anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla ang kaniyang pamamasyal sa Japan kasama ang rumored boyfriend.
Sa ibinahaging mga litrato ng aktres, makikita na lowkey niyang pini-flex ang di umano’y jowa nito.
Napansin din ng iilan na sa unang bakasyon ng aktres sa Japan ay tila kasama rin nito ang parehong lalaki na hanggang ngayon ay hindi parin maaninag ang mukha.
Ito rin aniya ang kasama ni Kylie noong pumunta siya ng Thailand.
Matatandaan nitong nakalipas na taon ay kinumpirma ni Kylie ang kanilang hiwalayan ng ama ng mga anak nito na si Aljur Abrenica na ngayo'y jowa na ang anak ni Jeric Raval na si Aj Raval.
0 Comments