Nauwi sa trahedya ang masayang outing ng isang grupo nang
mahulog ang sinasakyang van sa bangin sa Bokod, Benguet nitong Sabado de Gloria.
Sa isang ulat, pauwi na sana ang van mula sa bakasyon sa
Ilocos Norte at Baguio nang mangyari ang insidente.
Sinasabing nakaidlip umano ang driver dahilan na nawalan
ng kontrol ang sasakyan at dumiretso sa bangin na may lalim na 50-metro.
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga rescuer at
idinala sa malapit na ospital ang mga biktima ngunit hindi nakaligtas ang isang
72-anyos na pasahero.
Samantala, patuloy pang inoobserbahan sa ospital ang 14
na sugatan kabilang na ang driver ng van.
0 Comments