APRIL 10, 2024, IDINEKLARANG REGULAR HOLIDAY


 

Idineklara bilang regular holiday ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang April 10, 2024 sa buong bansa ng Pilipinas upang bigyang-daan ang obserbasyon ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

Ito ay alinsunod sa inilabas na Proclamation No. 514 na bigyang-galang ang kahalagahan ng relihiyon at kultura ng mga Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Ipinahayag naman ng Pangulo na ang pagdedeklara ng Eid’l Fitr ay magpapahintulot sa lahat ng mga Pilipino na samahan ang kanilang kapatid na Muslim tungo sa kapayapaan at pagkakaisa.

Samantala, bago ang April 10 ay isa pang holiday ang gugunitain ng bansa kung saan inaalala rito ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino sa Araw ng Kagitingan sa araw ng ika-9 ng Abril.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog