BYAHENG K5 AKLAN | BORACAY KEYHOLE

Photo Courtesy: Becoming Filipino

 

NANGANGARAP MAKITA ANG IBANG DIMENSYON?

Puntahan ang Boravay Keyhole sa Boracay Island, Malay, Aklan.

Ang isla ng Boracay ay isa sa mga sikat at ipinagmamalaking tourist destination sa probinsya ng Aklan at sa buong mundo.

Pero alam niyo ba mga ka-K5, bukod sa purong puting buhangin sa beach, may isa pang destinasyon ang hindi dapat kinakaligtaan puntahan?


Photo Courtesy: Becoming Filipino


Ito ay ang Boracay Keyhole na matatagpuan sa Boracay Newcoast.

Isa itong kakaibang rock formation na nakaupo sa gilid ng isla kung saan itinayo ang Newcoast.

Pagdating sa lugar, mapapansin na parang ikaw ay nasa ibang dimensyon na tila isang portal ang naturang keyhole na magdadala sayo sa pinapangarap mong lugar.

Tugmang-tugma din ito sa isa pang tawag dito na “Lapus-Lapus” na ang ibig sabihin ay “tagusan” o “pass through”.

Sa mga nagbabakasyon sa Boracay at gustong bisitahin ang keyhole, maaari kang magpahatid sa e-trike o tricycle sa Boracay Newcoast hanggang sa mismong lugar.

Dito ay libreng-libre kang umawra at damhin ang kakaibang vibes na dala ng Boracay Keyhole at ng beach.

Pero, alam niyo ba na pupwede ka din ditong humiling?

Base sa mga kasabihan at paniniwala ng mga matatanda, maaaring tuparin ng Boracay Keyhole ang iyong kahilingan kapag ika’y nagbato o nag-alok ng mga barya rito.

Wala namang mawawala ka-k5 kung iyong susubukan, di ba?

Kaya halina’t i-explore pa ang mga tourist destination sa probinsya ng Aklan!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog