PANA-PANAHON ANG PAGKAKATAON… MAIBABALIK BA ANG KAHAPON…
Ka-K5, na-miss niyo ba ang dating
mukha ng Boracay?
Tara at ating balikan ang
ipinagmamalaking Boracay Island ng Aklan.
Noon, nung hindi pa masyadong
kilala ang isla ng Boracay, inaabot sa dalawa at kalahating oras ang byahe
papunta sa isla.
Walang jetty port, walang billboards at wala ding mga mangangalakal.
Wala ding makikitang turista
o residente sa isla, kundi tanging madilim na dalampasigan ng Caticlan sa gilid
ng mainland na nababalot ng matataas na puno at mga damo ang masasaksihan.
Ang Boracay noon ay isang
napakalungkot na isla dahil sa ito’y hiwalay sa mainland at kung minsan pa’y
hindi mapupuntahan.
Hindi rin inirekomenda ang
pagtawid dito dahil sa matataas na alon ngunit kapag ang panahon ma’y bumalik
sa normal, kinakailangan pang maghintay ng ilang oras sa pagdating ng maliit na
bangka na maghahatid patawid sa isla.
Sa isang pahayag, ang mga
Ati ay umaasa sa pangingisda na dinagdagan ng mga taniman ng niyog, kamoteng
kahoy at patatas hanggang noong dekada ng 1940 at 1950 sa maliit ngunit
magandang isla na ito.
Lumipas ang ilan pang dekada,
wala pa ring elektrisidad sa lugar at hindi pa rin ito nakikilala. Hanggang sa
ito’y naidskubre ng mga backpacker at sumikat sa pamamagitan ng isang travel
book na inilathala ng isang manunulat na German na si Jens Peter.
Laman ng libro ang
kasaysayan ng Boracay at tinawag itong pinakamagandang isla sa buong Asya.
Kinunan din ito ng iba’t
ibang litrato at ginawan ng postcards na nakatulong sa unti-unting pag-unlad ng
isla na maging hangout ng mga bakpackers noong 1980 at kinalaunan ito’y
kinikilala na bilang isa sa mga pangunahing tourist destinations ng Pilipinas.
Ipinagmamalaki sa isla ng
Boracay ang powder-soft at puting buhangin, at ang malinaw na blue-green waters.
Sa kabila ng kasikatan ng
isla, nananatili pa ring isang mabisang lugar ang Boracay sa mga gustong
mag-relax, mag-enjoy at magkaroon ng privacy.
Ito ang klase ng ambiance na
binabalik-balikan ng mga turista gayundin ng mga dayuhan.
Kaya mga ka-K5, simulan ng
bumuo ng magagandang alaala sa isla ng Boracay!
0 Comments