BETERANONG AKTRES JACLYN JOSE, PUMANAW NA SA EDAD NA 60

 



Ikinalungkot ng showbiz industry ang biglaang pagpanaw ng award-winning actress na si Jaclyn Jose nitong Sabado, Marso 2.

Ito ang kinumpirma ng PPL Entertainment, Inc., talent management ni Jose, sa kanilang social media post ngayong March 4.

Batay sa anunsyo, humihiling ng pag-unawa ang pamilya Guck at Eigenmann sa publiko at sa lahat ng sumusuporta kay Jose na bigyan sila ng pribadong oras sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng aktres.

Hindi naman nabanggit sa pahayag kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Jose.

Si Mary Jane Guck o mas kilala bilang Jaclyn Jose ay pumanaw sa edad na 60. Kasama rin nito sa showbiz industry ang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guck.

Kilala si Jose bilang kauna-unahang Pinay na nanalo ng Best Actress sa Cannes Film Festival para sa pelikulang “Ma’Rosa” noong 2016.

Samantala, huling napanood ang actress sa Kapamilya TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” bilang jail Chief Dolores Espinas habang ang huli nitong pelikula ay “Pietta” na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog