Pupwede na ulit magbakasyon sa Thailand!
Ito’y matapos sabihin ng Department of Foreign Affairs na
kumalma na ang away sa pagitan ng mga Pinoy at Thai na transgender group sa
Bangkok noong nakaraang Linggo.
Pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De
Vega na kapag ika’y isang normal lang na turista, tiniyak nitong ligtas ka.
Ngunit, pinaalalahanan nito ang mga byahero na iwasan
munang pumunta sa Soi Sukhumvit 11 kung saan dito nangyari ang kaguluhan.
Payo pa ni De Vega na mariing sumunod sa patakaran at
batas, na kapag turista ka ay huwag kang magyabang at iwasang makipag-away sa
mga locals.
Kaugnay nito, nakatanggap na ng paghingi ng tawad at
compensation na 10,000-baht ang isang Pinoy na nadamay at nasugatan sa insidente
matapos atakihin ng grupo ng mga Thai na transgender.
Pagkatapos nito ay agad ding bumalik ng Pilipinas ang
biktima.
Samantala, ikinukunsidera namang case closed ni De Vera
ang nangyari matapos na wala nang mga kaso ang nagsampa pati wala na ding
isasagawang imbestigasyon.
0 Comments