MONASTERY OF OUR LADY OF FATIMA AT FATIMA HILL



Karamihan sa atin ay nag-aabang sa panahon ng Kuwaresma taun-taon.

Ito ay dahil sa mahaba-habang bakasyon at pahinga mula sa trabaho at paaralan.

Oras din ito para sa mga nagnanais na mag-relax at sulitin ang bakasyon sa beach at iba pang summer destinations.

Pero may ilan namang ginugugol ang kanilang bakasyon sa pagnilay-nilay sa ilang religious sites tulad ng Fatima Hill sa Brgy. Sto. Rosario, Malinao, Aklan.

Sa Fatima Hill matatagpuan ang Monastery of Our Lady Fatima kung saan naroroon ang higanteng krus na nakatayo sa tuktok ng naturang burol.


Hindi din mawawala ang Stations of the Cross na naglalarawan ng 14 na pangyayari sa Pasyon ni Hesukristo, mula sa paghatol kay Hesus sa kamatayan at nagtapos sa paglibing ng katawan Nito sa libingan.


Medyo malubak ang daan ngunit hindi ito hadlang upang matibag ang mas malakas na paniniwala sa Kanya.



Sa bawat istasyon ng krus ay makikita ang serye ng kaganapan sa naranasang paghihirap ni Hesus sa krus upang isalba ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Bukod pa rito, bonus na ang napakagandang tanawin sa tuktok ng burol kung saan ramdam na ramdam ang preskong hangin, kalmadong tanawin at mapayapang ambiance.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog