SECURITY PREPARATIONS NG KALIBO MPS PARA SA CHINESE NEW YEAR SA RIZAL ST, NAKALATAG NA


Nakalatag na ang security preparations ng Kalibo Municipal Police Station sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Rizal St., sa naturang bayan, bukas Pebrero 10.

Sa panayam ng K5 News Team kay PMAJ Willian Aguirre ng Kalibo MPS, sinabi nito na bagama’t walang augmentation ng mga kapulisan mula sa kampo ay handa ang kanilang hanay na panatilihin ang seguridad sa nasabing okasyon.
Nabatid din dito na may ilang katabing kalye ng Rizal St., na pansamantalang ipapasara bukas upang bigyang-daan ang nakahandang mga aktibidad sa Chinese New Year celebration.
Samantala, kabilang sa iba’t-ibang aktibidad at programa na aasahan ang dragon dance, lighting of Chinese lanterns at food fest sa lugar. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog