BEA AT DOM, KUMPIRMADONG HIWALAY NA – BOY ABUNDA


“Did they call off the wedding? Yes”

Ito ang naging sagot ni Boy Abunda nang kumpirmahin nito sa kaniyang programang Fast Talk with Boy Abunda ang opisyal na paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Aniya, ikinalulungkot nito ang nangyari sa relasyon ng dalawa lalo na’t nakatakda sanang maganap ang kasal ng mga ito ngayong taon.
Sinasabing, nagsaulian pa umano ng engagement ring.
Wala namang nabanggit ang host na dahilan ng paghihiwalay nina Bea at Dompero para sa mga taga- showbiz, alam na raw ‘yun.
Subalit, nilinaw naman ni tito Boy na hindi naging isyu ang pre-nuptial agreement tulad ng mga kumakalat na isyu sa social media dahil sa katunayan daw ay si Dominic pa ang nagsabi sa ina ni Bea na wala sa kanyang problema ang ganun bago sana ang kasal.
Samantala, mukhang malabo na umanong magkabalikan pa ang mag ex lalo na’t hindi daw naging maganda ang hiwalayan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog