WEATHER UPDATE | September 13, 2023


 

Huling namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa  610 km East ng Itbayat, Batanes, ngayong araw. 

Batay sa ulat ng PAGASA ang Southwest Monsoon ay patuloy na makakaapekto sa western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao. 

Ang buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat.

Samantala mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog-Kanluran hanggang Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog