Pasado
ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa isinagawang evaluation ng Provincial Local
Legislative Awards (LLA) Evaluators nitong Martes, Setyembre 5.
Ayon
kay Valerie Briones, MLGOO VII, Program Manager ng LLA, matapos ang nakuhang
puntos ng Sangguniang Bayan ng Kalibo batay sa inilatag na mga dokumento o mode
of verification, tiyak na ang bayan ng Kalibo ang ilalaban ng Provincial
Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isasagawang Regional
Evaluation.
Aniya,
malaki ang kanyang tiwala sa kasalukuyang Support Staff kasama ang kanilang mga
competencies, at malaki ang pagkakataon na maging National Awardee ang LGU
Kalibo.
Ang Local
Legislative Awards (LLA) 2023 ay nagbibigay ng parangal sa mga nagawa ng mga
Sangguniang Panlunsod at Bayan para sa mga Legislative Measures na makatulong
sa operasyon at pag-unlad ng lokal na gobyerno simula Hulyo 1 2019 hanggang
Hunyo 30, 2022. | JURRY LIE VICENTE
(via
Doniel B Aguirre)

0 Comments