AWTOMATIKONG PROMOSYON SA MAGRERETIRONG EMPLEYADO NG GOBYERNO, SUPORTADO NG SB KALIBO


Suportado ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang isinusulong ng Senado na awtomatikong promosyon ng lahat na mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon, inihayag ni SB Member Augusto Tolentino na suportado ng konseho ang Senate Bill 297 ni Senator Francis Escudero kung saan layon nitong mabigyan ng awtomatikong promosyon ang isang empleyado sa kanilang pag-retiro.

Batay sa Senate Bill 297, ang mga opisyales at empleyado na pwedeng mag-retiro ay bigyan ng agarang promosyon na katumbas ng one grade level na mas mataas sa kanilang kasalukuyang posisyon sa panahon ng kanyang pag-retiro.

Samantala, ang salary grade level ng mga magreretiro ay gagamiting batayan sa pagbilang ng kanyang retirement benefit. | JURRY LIE VICENTE


(via Doniel B Aguirre)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog