NASA, MULING SASALI SA PAGHAHANAP NG MGA ALIEN



Inanunsyo ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) nitong Huwebes, September 14, na sasali sila sa paghahanap ng tinatawag na “unidentified anomalous phenomena (UAP).”

Ito ay matapos na ibinahagi ng scientists ang diumanong labi ng extraterrestrial species sa Mexico nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay NASA chief Bill Nelson, layunin ng kanilang ahensya na pag-aralan kung bakit sila nandito sa planeta ng mga tao.

Isang independent team na may 16 researches ang nagpalabas ng report na kailangan nila ng malakas at evidence-based approach sa pagtukoy sa naturang UAPs.

"We want to shift the conversation about UAP from sensationalism to science," dagdag pa ni Nelson.

Sa loob ng 27 taon, inihayag ng NASA na mahigit 800 “events” ang kanilang narekord tungkol sa UFO, kung saan 2% hanggang 5% rito ay posibleng maanomalya.

Kahit patuloy ang pagtulong ng military at civilian pilots sa pag-report ng UFO sightings sa NASA, nagiging katatawanan ang ganitong topiko, lalo na ng publiko, dahil sa pagpresenta nito sa mga pelikula, libro, at ng mainstream media. | JOHN RONALD GUARIN


via Issam Ahmed, Agence France-Presse

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog