Inanunsyo ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na nagbawas sila ng 1/8 sa kanilang budget para sa 2024, at pinaalis din ang halos 20% sa kanilang tauhan sa headquarters.
Ayon sa ICRC, nasa $2.4 billion ang kanilang ibinawas para sa 2024 budget habang nasa 270 sa 1,400 staffers ang kanilang na-layoff sa Geneva headquarters.
Sa pahayag ni Director-General Robert Mardini, kailangan aniya tutukan ng ICRC ang kanilang sariling aktibidad dahil ang Estados Unidos ang may pinakamalaking nagbawas ng kanilang kontribusyon sa budget ngayong taon.
Bago pa nailabas ang
panibagong revisions, una nang inanunsyo ng organisasyon na magbabawas sila ng mahigit
430 million francs ($482.4 million) sa kanilang budget sa buond mundo at mahigit
1,800 katao ang mawawalan ng trabaho. | JOHN RONALD GUARIN
| via ABC NEWS |
0 Comments