VAX CERTIFICATES, HINDI NA KAILANGAN SA INBOUND TRAVELLERS- DOTR

 

 

Inanunsyo ng Department of Transportation na hindi na kailangang ipakita sa pagpasok sa bansa ang vaccination certificates para sa inbound travelers.

Ito ay base sa base sa DOH-Bureau of Quarantine Memorandum Circular 2023-06, na sakop ang inbound travelers sa airports at seaports.

Kaugnay dito, malugod namang tinanggap ni DOTr Secretary Jaime Bautista, sa isang Facebook post, ang proklamasyon ng Department of Health kung saan mahigpit aniya sila na nakikipag-ugnayan sa Bureau of Quarantine bago pa man ang anunsyo upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero. 

Samantala, ang kamakailang proclamation order ay kasunod ng pag-alis noong Hulyo sa COVID-19 Public Health Emergency ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog