GENDER INEQUALITY ANG HINDI PAGSAMA SA MGA KABABAIHAN SA ROTC- SEN. DELA ROSA

Courtesy | CPU

 Maituturing na “gender inequality” ang hindi pagsasama sa mga kababaihan sa isinusulong na Mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC) Program.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasunod ng pagkwestyon at pagpalag ng ilang sektor sa pagbuhay muli ng ROTC program at gawin itong mandatory sa lahat ng mga paaralan kung saan bago makapagtapos sa kolehiyo o technical and vocational schools ay dapat na sumailalim sa programa ang lahat, lalaki man o babae.

Ayon kay Dela Rosa, ang mga babae ang sumisigaw ng gender equality o patas na pagtrato sa lahat ng kasariian kung kaya’t maituturing itong gender inequality o hindi patas sa mga lalaki sakali na umayaw ang mga ito.

Aniya pa, pagkakataon na rin umano ng mga babae na makapagsilbi sa bayan at para matuto rin sila sa pagtugon sa kalamidad, sakuna, emergency at giyera.

Dagdag pa nito, hindi namimili ang bala ng kalaban kung lalaki o babae sa oras ng pag-atake ng ibang bansa kaya mas mabuti na pati ang mga babae ay handa na lumaban. 

Samantala iginiit pa ni Dela Rosa na maging ang mga ­mi­yembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer (LGBTQ) community ay hindi exempted sa naturang ROTC. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog