UNANG ARAW NG FILING OF COC, INAASAHANG PIPILAHAN NG MGA KAKANDIDATO PARA SA BSKE 2023

  


Magsisimula nang tumanggap ngayong araw ng Certificate of Candidacy (COC) ang Commission on Elections para sa mga nais tumakbo sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) 2023. 

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay Atty. Christian Itulid, Election Officer ng COMELEC-Kalibo inihayag nitong inaasahan na ng kanilang tanggapan ang pagpila ng mga nais kumandidato sa naturang eleksyon, simula alas-8 ngayong umaga. 

Dahil dito, pinaalalahan naman ni Itulid ang mga nagbabalak na mag tungo sa kanilang tanggapan na kumpletuhin ang mga requirements tulad na lamang ng anim hanggang pitong kopya ng COC, passport size ng picture, documentary stamp/resibo na patunay sa pagbili nito, at siguruhin din aniyang notaryado ang COC na ipapasa sa kanila. 

Samantala, umapela din ito na huwag nang hintayin na sumapit ang huling araw ng filing bago maghain ng kandidatura sa September 2, upang maiwasan ang siksikan at pagkagahol sa oras. |Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog