ILANG MGA SASAKYANG-PANDAGAT SA AKLAN, KANSELADO SANHI NG BAGYONG GORING

 



READ | Kanselado na ang lahat ng biyahe ng motorbanca mula sa Caticlan Jetty Port papuntang Hambil Port, San Jose at Sta. Fe Port, Sta. Fe Romblon simula ngayong umaga dahil sa masamang panahon dala ng bagyong “Goring”.

Temporaryo ring ipinatigil ang operasyon ng mga water seasports sa isla ng Boracay para sa kaligtasan ng mga turista.



Ito ay kaugnay ng inilabas na Gale Warning ng PAGASA kung saan kasalukuyang apektado malalakas na alon ang western seaboard ng Visayas kasama na ang mga baybayin sa Aklan.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog