SANGGOL, ITINAPON NG KANIYANG 15-ANYOS NA INA SA BINTANA NG ISANG OSPITAL

 


SANGGOL, ITINAPON NG KANIYANG 15-ANYOS NA INA SA BINTANA NG ISANG OSPITAL

Ni John Ronald Guarin

 

Ikinagulat ng isang utility worker ng Polydemic Hospital sa Kabacan, North Cotabato na may umiiyak na sanggol sa likod ng naturang ospital.

Matapos niya itong hanapin, natagpuan ang sanggol na nakahiga sa plywood habang umiiyak.

Napag-alaman na mula sa 15-anyos na ina ang nasabing sanggol na nagpapagamot sa nasabing ospital.

Dinala ang dalagang ina sa paggamutan dahil sa diumanong nakakaranas it ng urinary tract infection o UTI.

Ngunit nalaman naman ng ina nito na ang dalagita pala ang nagmamay-ari sa nasabing sanggol at nagpanggap lamang ito na may UTI.

Sa ngayon, nasa magandang kondisyon na ang mag-ina na kasalukuyang sa kostodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog