COMELEC, MAGLALABAS NG ANTI-VOTE BUYING GUIDELINES



COMELEC, MAGLALABAS NG ANTI-VOTE BUYING GUIDELINES

Ni Jurry Lie Vicente

Nakatakdang maglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng alituntunin para palakasin ang pangangampanya laban sa anumang uri ng vote buying.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na tututukan ng ahensya ang mga altuntunin kasama na mga usapin na may kaugnayan sa pera na ginagawa online ng mga kandidato sa panahon ng kampanya at ng botohan.

Dagdag pa ni Garcia, pagtutuunan din ng Comelec ang pamamaraan at iba pang mga pangyayari sa paglilipat ng pondo sa ibang indibidwal.

Dahil dito, hihilingin din ng Comelec sa Anti-Money Laundering Council na idirekta ang e-wallet companies na magsumite sa commission transactions sa loob ng sampung araw ng panahon ng kampanya at halalan na kadalasang ginagawa sa pagbili ng boto.

Samantala, sinabi ni Garcia na magsasampa sila ng mga kaso laban sa mga posibleng sangkot sa mga ilegal na gawain.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog