PAGPAPATUPAD NG KOMPREHENSIBONG TOBACCO CONTROL ORDINANCE, NAIS TUTUKAN NG DOH-6 SA MGA LGU



PAGPAPATUPAD NG KOMPREHENSIBONG TOBACCO CONTROL ORDINANCE, NAIS TUTUKAN NG DOH-6 SA MGA LGU


Ni John Ronald Guarin


Hinihikayat ng Department of Health Western Visayas Center for Health and Development (DOH WV CHD) ang mga lokal na pamunuan sa rehiyon na mag-impelementa ng komprehensibong polisiya kaugnay sa tobacco control para matigil ang kumakalat na lung-related diseases.

 

Ayon kay John Richard Lapascua, Nurse V ng non-communicable disease section ng DOH-WV CHD, mula sa 133 na mga LGU sa rehiyon, 91 pa lamang ang nakapasa sa naturang tobacco control.

 

16 rito ang mula sa Aklan; 15 sa Antique; 14 – Capiz; 3 – Guimaras; 31 sa probinsya at lungsod ng Iloilo; at 12 sa Negros Occidental at Bacolod City.

 

Kabilang sa isang komprehensibong ordinansa ang pagbabawal ng pagbenta ng tobacco sa mga menor de edad 100 metro ang layo sa mga paaralan; 10 metros na layo naman sa mga dinadaanan ng publiko ag pagbabawal sa tobacco advertising promotion at sponsorship sa buong lugar.

 

Via RP1

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog