Ikinagulat ng
mga astronomer ang pagkawala ng mga ulap sa Neptune.
Noong
nakaraang taon, nababalot ng malaking
cirrus-like clouds ang Neptune na ngayon ay matatagpuan na lamang sa south pole
ng planeta.
Batay sa
analysis sa mga kuha sa Neptune ng tatlong malalaking space telescopes, natukoy
ng mga siyentipiko na ang pagkawala ng mga ulap sa Neptune ay posibleng
indikasyon ng solar cycle.
Sa datos mula
sa Hubble Space Telescope, W.M. Keck Observatory sa Hawaii at Lick Observatory
in California, nakita ng mga eksperto ang 2.5 cycles ng cloud activity sa
29-year period ng obserbasyon sa Neptune, kung saan ang liwanag ng planeta ay
tumaas noong 2022 at muling dumilim noong 2007.
Muli itong
nagliwanag noong 2015 bago muling dumilim noong 2020. |

0 Comments