NBA VETERAN RICKY RUBIO, TIGIL MUNA SA PAGLALARO

 

(Photo courtesy - Cleveland Cavaliers via Facebook)

NBA VETERAN RICKY RUBIO, TIGIL BASKETBALL MUNA

Ni John Ronald Guarin

 

Inanunsyo ng Cleveland Cavaliers player na si Ricky Rubio na titigil muna siya sa paglalaro sa NBA dahil prayoridad niya muna ang kaniyang mental health.

 

Sa inilabas na pahayag ni Rubio mula sa Spanish Basketball Federation, aalagaan niya muna ang sarili niya at hihinto na muna siya sa kaniyang professional activity.

 

Nagpasalamat naman si Rubio sa kaniyang mga tagasuporta at humihingi ng privacy sa kaniyang kalagayan at sitwasyon sa buhay.

 

Sa kabila nito, napag-alaman na lalaro sana si Rubio sa FIBA World Cup sa Agosto 25 sa na gaganapin sa Pilipinas, Japan, at Indonesia.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog