MARCOS PINABIBILISAN ANG PAMAMAHAGI NG FUEL SUBSIDIES



Pinamamadali ni Pangulong Bongbong Marcos ang pamimigay ng fuel subsidies sa hanay ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon, dahil sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Ayon sa pahayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, mayroon nang pondo para sa nasabing programa pero sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), kailangan munang maglabas ng joint memorandum circular ang Department of Transportation (DOTr) bago ito mai-release.
Kasama sa kasunduan ang memorandum of agreement na magiging basehan sa proseso ng identification at validation ng mga beneficiaries.
Magugunitang nasa P3 billion ang inilaang pondo ng gobyerno para sa fuel subsidy na kinuha sa 2023 national budget.
Ito ay para matulungan ang mga nasa sektor ng transportasyon mula sa epekto ng walang tigil na oil prices sa bansa. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog