DA INAMING HINDI KAYANG MAKAMIT ANG P20 PER KILO NA BIGAS



Aminado ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) na hindi kayang makamit ang P20 pesos per kilo na bigas na ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kampanya.
Mismong mga opisyal ng ahensya ang nagsabi nito sa gitna ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa kabilang na ang bigas.
Isa ito sa naging tanong ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa hearing ng House committee on appropriations kaugnay ng panukalang budget ng DA na P167.5 billion sa taong 2024.
Kapansin-pansin naman na wala sa pandinig si President Marcos na siya ring nagsisilbing kalihim ng DA.
Kinuwestiyon din ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mga dumalong opisyal kaugnay sa plano ni Marcos para matiyak na may sapat na supply ng bigas ang bansa pagdating ng 2030.
Hindi naman nagpakasiguro si DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na kaagad itong masolusyunan dahil maraming mga pangyayari ang maaaring makahadlang na makamit ang food security.
Samantala, naghahanap pa rin umano ng solusyon ang pamahalaan na ma-stabilize ang presyo ng bigas sa buong bansa. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog