MALALAKING BARKO, KALAHOK SA MGA SUSUNOD NA RESUPPLY MISSION

 


MALALAKING BARKO, KALAHOK SA MGA SUSUNOD NA RESUPPLY MISSION

Ni Jurry Lie Vicente


Inanunsyo ni PCG-West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na maaaring kabilang ang mga malalaking barko sa mga susunod na resupply mission sa WPS.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tarriela na magiging mapagbantay kahit na matagumpay ang muling pagsuplay ng BRP Sierra Madre noong Martes.

Inihayag din ng WPS na matagumpay ang paghahatid ng resupply mission ngunit huwag maging kampante sa mga susunod na misyon at kailangan pa ring mapagmatyag.

Samantala, nanatili pa ring hamon para sa PCG ang paghahatid ng construction materials para ayusin ang nakasadsad na Navy Ship sa Ayungin Shoal.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog