KORAPSYON SA NIA, INAMIN NI ACTING ADMINISTRATOR GUILLEN

 

KORAPSYON SA NIA, INAMIN NG ACTING ADMINISTRATOR NG AHENSYA

Ni Teresa Iguid

 

Aminado si National Irrigation Administration (NIA) Acting Administrator Eduardo Guillen na may korapsyon sa kanilang ahensiya.

Mababatid na sa pagdinig ng Senado ay direktang tinanong ni Senador Raffy Tulfo si Guillen kung naniniwala itong may korapsyon sa loob ng NIA.

Ani Guillen, lahat naman aniya ng organisasyon kahit sa abroad ay may korapsyon bagay na hindi naman nagustuhan ni Tulfo dahil NIA lamang ang kanyang tinatanong at hindi dapat idamay ang ibang organisasyon.

Dahil dito ipinunto ng Senador, na tanging pagkakataon lang na mareresolba ang problema sa NIA ay kung tatanggapin na may korapsyon nga sa ahensya at hindi puro pagtatanggi na sinang-ayunan naman ng acting Administrator.

Ayon kay Guillen may ‘lapses’ sa loob ng ahensya subalit agad itong binara ni Tulfo at sinabing magkaibang usapin ang ‘lapses’ at ‘corruption’ at pagsu-sugar coat sa problema ang ginagawa ng opisyal.

Hinamon naman ni Tulfo si Guillen na aminin na niyang mayroon talagang katiwalian para mabigyan ito ng solusyon at masampahan na ng kaso ang mga dapat na mapanagot.

Sa huli ay inamin na rin ni Guillen na mayroong korapsyon sa kanyang ahensya at nangako na aayusin ang sistema para matugunan ang mga problema.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog