MAJA SALVADOR AT RAMBO NUÑEZ, NAGKAROON NG 'SECRET WEDDING' SA PILIPINAS



MAJA SALVADOR AT RAMBO NUÑEZ, NAGKAROON NG 'SECRET WEDDING' SA PILIPINAS

Ni John Ronald Guarin

Bago ang wedding nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia nitong Lunes ay ikinasal na ang dalawa sa Pilipinas ilang buwan na ang nakararaan.

Sa panayam ng Preview magazine, sinabi ni Maja na pinakiusapan nila ang kanilang mga guest na isikreto ang kasal.

Ani Maja, masaya siya at hindi lumabas ang balita kahit pa "digital na sobra. May cellphones and all, and everyone can be the paparazzi."

Ibinahagi ng Preview ang mga photos ng "secret wedding nina Rambo at Maja, ang cover girl ng Magazine para ngayong buwan.

Napag-alaman na nagdesisyon ang dalawa na magpakasal muna sa Pilipinas dahil hindi ino-honor sa bansa ang kanilang wedding sa Indonesia.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog