LUNA-25 SPACECRAFT NG RUSSIA, BUMAGSAK SA LUPA NG BUWAN

 


LUNA-25 SPACECRAFT NG RUSSIA, BUMAGSAK SA LUPA NG BUWAN

Ni John Ronald Guarin

 

Bumagsak sa lupa ng buwan ang robot lander ng Russia na Luna-25 spacecraft matapos itong umikot sa hindi makontrol na orbit ng buwan.

 

Ayon sa space agency ng Russia na Roscosmos, hindi nila inasahan na iikot ang spacecraft sa isang ‘unpredictable orbit’ kaya nagresulta ito ng pagbagsak sa kalupaan ng buwan.

 

Inihayag din ng Roscosmos na nawalan sila ng contact sa naturang spacecraft nitong Agosto 19, Sabado matapos mag-aberya ang kanilang komunikasyon habang pinaghahandaan ang ‘pre-landing orbit.’

 

“During the operation, an abnormal situation occurred on board the automatic station, which did not allow the maneuver to be performed with the specified parameters,” base sa Telegram post ng space agency.

 

Sa kabila nito, napag-alaman na nakatakda samang mag-landing ang Luna-25 spacecraft sa south pole ng buwan nitong Lunes, Agosto 21, bilang kaparte ng karera laban sa Indian spacecraft.

 

 

Via ABC News

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog