AFP, HINDI MUNA NAGLABAS NG DETALYE TUNGKOL SA SUSUNOD NA RESUPPLY MISSION SA AYUNGIN SHOAL
Ni John Ronald Guarin
Hindi muna ibinahagi ng Armed
Forces of the Philippines (AFP) ang petsa ng susunod na rotation and resupply
(RoRe) mission sa Ayungin Shoal.
Ito ay sa harap ng isyu sa
water cannon incident o pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa resupply
mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre dalawang linggo na ang
nakakaraan.
Sa news forum ng Presidential
Communications Office nitong Agosto 19, Sabado, kinumpirma ni AFP Spokesman
Col. Medel Aguilar na nakatakda nang isagawa ang susunod na RoRe mission.
Kasabay nito’y tiniyak ni
Aguilar ang pagpapanatili ng presensya ng kanilang pwersa sa Ayungin Shoal,
bilang pagpapakita ng pagtindig laban sa anumang banta sa Rule of Law.
Sa kabila nito, suportado pa
rin umano ng Pilipinas ang mapayapang pag-resolba sa mga sigalot.
0 Comments