LIBO-LIBONG PAMPASABOG, NATAGPUAN SA LOOB NG ESKWELAHAN SA CAMBODIA

 

Nahukay sa loob ng isang paaralan sa Cambodia ang mahigit 2,000 piraso ng lumang explosives o pampasabog matapos maglinis para sa itatayo sanang garden sa isang high school sa probinsya ng Kratie.

Kabilang sa mga nahukay ay ang 1,000 M79 na Granada na ginamit noong civil war sa nasabing bansa simula 1960’s.

Temporaryo munang isinara ang paaralan para sa kaligtasan ng mga estudyante habang sinisiguro pang wala nang maiiwan na pampasabog sa lugar.

Napag-alamang dating ginamit na military station ang area bago nagsagawa ng bombing campaign ang Amerika hanggang sa nagtapos ang civil war noong 1975.

Sinasabing ang bansang Cambodia ay itinuturing na ‘most heavily bombed and mined’ na bansa sa buong mundo.

Tinatayang nasa 20,000 mga Cambodians ang namatay sa nakalipas na apat na dekada dahil sa mga naiwang land mines at bomba sa nasabing bansa. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog