ALEX EALA WAGI SA W25 ROEHAMPTON NG IKA-4 NA ITF TITLE



Nasungkit ng Pinay Tennis player na si Alex Eala ang ika-4 na International Tennis Federation (ITF) title matapos itong manalo sa finals ng W25 Roehampton tournament sa London.

Tinalo ni Eala ang kalabang Australian na si Arina Rodionova sa score na 6-2, 6-3.

Bago makaabot sa finals, pinadapa ng Pinay player si Arianne Hartono ng Netherlands sa semi-finals at si Priscilla Hon ng Australia sa quarter finals.

Magugunitang nakuha ni Eala ang unang ITF title noong 2021 sa W25 Manacor, at sinundan ito W25 Chiang Rai noong 2022.

Ito na ang pangalawang nasungkit niyang title ngayong taon matapos makuha ang W25 Yecla sa bansang Spain. |Ni Rio Trayco

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog