Abot-kamay na ang pangarap sa mga nagnanais na makapunta sa
bansang Korea dahil sa bagong programa na inilunsad ng Korean Embassy.
Ito ang Korea Visa Application Center (KVAC) kung saan mas
pinapadali nito ang visa applications ng mga Pinoy travelers.
Ayon sa anunsyo ng nasabing embahada, simula August 29 ay
P900 pesos na lamang ang bayad para sa kada visa application sa ilalim ng KVAC
na makikita sa Britanny Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Saklaw nito ang lahat ng klase ng visa na maaaring aplayan ng
mga Pilipino na nangangarap makapunta sa bansang Korea.
Sa pahayag ni KVAC General Director Kyusuk Ahn, layunin ng
programa na maiwasan ang anumang abala na dating nangyayari sa mga visa
application. Sa ganitong paraan mas mapa-angat aniya ang serbisyo ng embahada
sa world-class visa application service.
Binigyang-diin naman ng opisyal na isa sa mga ‘hottest
destinations’ para sa mga Pinoy ang kanilang bansa na isa sa mga dahilan na
binuo ang KVAC. |

0 Comments