DALAWANG MAGKAHIWALAY NA INSIDENTE NG SUNOG, SUMIKLAB SA MALINAO

  


Dalawang insidente ng pagkasunog ang nirespondihan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malinao, matapos itong sumiklab kagabi. 

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team sa Malinao-BFP, napag-alaman na magkasunod silang nakatanggap ng ulat kaugnay sa nangyayaring sunog sa Brgy. Liloan at Brgy San Dimas sa naturang bayan na kaagad namang nirespondihan ng magkahiwalay nilang team. 

Nabatid na isang tapahan ng niyog ang nasunog sa Brgy. Liloan na agad din na naapula at mapalad na walang ibang nadamay.

Tinataya naman na aabot sa P350 ang napinsalang halaga sa naturang sunog at itinuturing din ito na pasok sa minimum damage fire incident. 

Maliban dito, isa namang forest fire ang sumiklab sa Brgy. San Dimas, Malinao na agad din na naapula bagama’t hindi naabot ng kanilang fire truck dahil sa mabundok na bahagi ng lugar.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP-Malinao sa nangyaring forest fire kasama ang DENR at iba pang kinauukulan. 

Samantala, ang mainit na panahon naman ang isa sa mga tinitingnang dahilan ng nasabing insidente. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog