[FULL READ] VISAYAN LEOPARD CAT, NAMATAANG PATAY SA LAUA-AN, ANTIQUE

 


VISAYAN LEOPARD CAT, NAMATAANG PATAY SA LAUA-AN, ANTIQUE

Ni John Ronald Guarin

 

Nakitang patay ang isang Sunda leopard cat (Prionailurus javanensis sumatranus) o kilala bilang “maral” sa Brgy. Bongbongan, Laua-an, Antique.

 

Sa Facebook video ni Bisaya nga Mangunguma, nakita ang walang buhay na Visayan Leopard Cat sa gilid ng kalsada ng naturang lugar.

 

Umaabot sa 45 hanggang 75 cm ang haba ng Visayan Leopard Cat, na may buntot na nasa 9 hanggang 13.8 inches na haba.

 



Napag-alaman na iilan na lamang ang natitirang species ng nasabing leopard cat na makikita lamang sa Negros Island, Cebu, at Panay.


Kilala rin ang nasabing species sa pagiging "nocturnal hunter" dahil pawang mga ibon at maliliit na mammals lamang ang kinakain nito.


Dahil dito, nakasama ito sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List noong 2008, kung saan may dating scientific name itong ‘P. bengalensis rabori.’

 

(📷 Photo screengrabbed from Bisaya nga Mangunguma’s Facebook page)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog