BAWAS-PASAHE, PINAG-AARALAN NA SA BAYAN NG KALIBO



Pinag-aaralan na ngayon ang pagkakaroon ng bawas-pasahe para sa mga commuters sa bayan ng Kalibo.

Ito ang sinabi ni Kalibo SB Member Ronald Marte sa programang Foro De Los Pueblos, kasunod ng pagbabalik normal matapos ang naranasang pandemya dulot ng COVID-19.

Ani ni Marte, naiintindihan nito ang hinaing ng ilang mga drivers sa tumataas na presyo ng gasolina ngunit naniniwala rin aniya ito na mababalanse ang naturang problema sa dami ng pasahero lalo na at balik-eskwela na muli. 

Binigyang-diin rin nito na ang mataas na pasahe ay dagdag lamang sa pasanin ng mga kapos na commuters kasunod ng mga nagsisitaasan na bilihin.

Dahil dito, makakabuti rin aniya na intindihin na kakarampot lamang ang kinikita ng ilan na nagsasakripisyo sa mahal na pasahe. 

Samantala, kasalukuyan na rin aniya nilang hinihintay ang ipapasang taripa ng mga toda habang hinimok rin nito na magkaroon ng public hearing upang mapag-usapan nang maiigi ang naturang bagay. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog