6K COLLEGE STUDENTS, BABAYARAN NG DSWD PARA TURUANG MAGBASA ANG MGA GRADE-1 PUPILS

 


Aabot sa anim na libong mga junior at senior college students mula sa ibat ibang State Universities sa National Capital Region, ang babayaran para magturo sa mga mag-aaral sa elementarya. 

Ang mga napiling estudyante ay natukoy bilang mga mahihirap na estudyante o financially-challenged, sa ilalim ng ‘Tara-basa’ program ng Department of Social Welfare and Development. 

Ayon kay Asec Rommel Lopez, magsisimula ang nasabing program sa Agosto-14 at magtatagal hanggang Nobyembre. 

Ang 6,000 students aniya ay una nang sumailalim sa ilang serye ng training para magtutor sa humigit-kumulang 63,000 na grade 1 pupils mula sa 490 schools sa buong Metro Manila. 

Bawat tutor ay magkakaroon ng dalawampung mag-aaral na tuturuan na magtatagal ng 20 araw. 

Sa ilalim ng programa, makakatanggap ng sahod ang naturang mga college students, na tatawaging ‘Youth Development Workers,’ upang turuan ang mga Grade 1 pupils mula sa 490 paaralan sa buong National Capital Region (NCR), na nahihirapang magbasa. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog