2027 WORLD YOUTH DAY, NAKATAKDANG GAWIN SA SOUTH KOREA


 

Napiling maging host sa susunod na World Youth Day sa 2027 ang Seoul, South Korea. 

Ito ang inanunsyo ni Pope Francis sa pagtatapos ng World Youth Day sa Lisbon, Portugal kahapon, Agosto 6. 

Dahil dito, naghiyawan naman ang aabot sa 1.5 million na young pilgrims sa naging announcement ng Santo Papa. 

Matatandaan na 32 taon na ang nakalipas matapos na idaos ang nasabing event sa Asya. 

Kaugnay dito, matatandaan naman na naging host din ang Pilipinas sa World Youth Day noong taon na 1995, bilang unang Asian country na nag-host ng global gathering sa mga young Catholics. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog