“THREADS” APP, DINUMOG NG ILANG NETIZENS

 


“THREADS” APP, DINUMOG NG ILANG NETIZENS


Halos karamihan ng mga netizens ang nagsilipatan sa bagong social networking app na “Threads” matapos itong opisyal na ilunsad nitong Huwebes.

Sinasabing ito umano ang pantapat ng Meta sa “Twitter” app ni Elon Musk na ngayo’y pinamumunuan ni Linda Yaccarino.

Ayon kay Mark Zuckerberg, umabot kaagad ng mahigit 10 milyon sign-ups ang naturang social media up sa loob ng pitong oras magmula ng ito’y ilunsad.

Ang “Threads” app ay isang text-based conversation app na konektado sa Instagram ngunit mas mabilis ditong makalikha ng sariling account kumpara sa ibang social media app.

Kung saan, hindi mo na kailangan pang ibahagi ang iyong mga personal information kung ika’y mayroon nang Instagram account.

Sa ngayon ay umaabot na ng bilyon ang users ng Threads at unti-unti na nitong nauungusan ang Twitter lalo pa’t naglabas ng limitasyon si Elon Musk sa Twitter na hanggang isang libong tweets na lamang ang maaaring makita ng mga users kada araw kapag hindi verified ang account.

Samantala, pinaalalahanan naman ang mga users ng “Threads” na maging maingat lalo na’t dalawang magkaugnay na platforms ang ginagamit nito.



Ni Sam Zaulda

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

👉Maaari ring umorder thru shopee
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog