𝐒𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐆𝐎𝐋𝐀 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋, 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐊 𝐈𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐍𝐆 𝐋𝐆𝐔 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐁𝐎
Balak ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na ibalik
ang pagsasagawa ng saranggola festival sa kabiserang bayan.
Ito ang inihayag ni Kalibo Sangguniang Bayan (SB) Member
Matt Aaron Guzman sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.
Sa kabila nito, ipinaliwanag din niya ang ilang patakaran
ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagbabawal sa
pagpalipad ng kahalintulad na bagay sa loob ng 4-kilometer radius.
Dahil dito, kailangan aniya ng sulat mula sa CAAP o may
nakatakdang araw na pwedeng mapagkasunduan para sa naturang aktibidad.
Dagdag pa ni SB Guzman, plano sana nila na nitong summer
isasagawa ang aktibidad dahil sa walang pasok ang mga estudyante.
Layunin nitong muling masaksihan ang dating pagpapalipad
ng mga higanteng saranggola na kinasasabikan ng lahat dahil karamihan aniya sa
mga bata ngayon ay mahilig na sa gadget.
Kung saan sa pamamagitan aniya nito ay maipapakita rin ang
pagkamalikhain sa pagdidisenyo ng saranggola.
Samantala, tinitingnan din ito bilang isa mga tourism
attraction ng Kalibo sapagkat inaasahang dadayuhin ito ng mga taga ibang lugar
dahil sa mga magagandang disenyo ng saranggola.
Ni Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-920
0 Comments