SANDARA PARK, BALIK KPOP SA KANIYANG SOLO DEBUT

 


SANDARA PARK, BALIK KPOP SA KANIYANG SOLO DEBUT

Ni John Ronald Guarin

 

Balik muli sa Korean Pop ang ‘Pambansang Krung Krung ng Pilipinas’ at dating miyembro ng 2NE1 na si Sandara Park matapos niya ilabas ang kaniyang opisyal na solo debut sa kantang “Festival” kasama ang kaniyang self-titled na album.

 

Inilabas ang nasabing music video ng kanta sa kaniyang official Youtube channel na DARA TV nitong Hulyo 12, Miyerkules ng hapon.

 

Naging surpresa ang pagbalik ni Sandara sa industriya ng Kpop ilang taon din ang nakalipas simula nang paghiwalay ng girl group na 2NE1 noong 2016 at ang pag-alis niya sa YG Entertainment noong 2021.

 

Sa “Festival” na music video, ibinida ni Sandara ang konsepto ng amusement park at circus.

 

Pasabog din ang paglabas ng iilang mga Korean entertainers sa naturang video, kabilang na rito ang 1980’s Korean pop icon na si Uhm Jung Hwa—kung saan ginawang sample ni Sandara ang kaniyang kanta noong 1999 na may parehong pangalan.

 

Maaari nang mapakingaan ang bagong album ni Sandara sa lahat ng music streaming platforms.

 

📷 Screengrabs from Dara TV/Youtube

 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

👉Maaari ring umorder thru shopee

🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog