OFFICE OF THE PROVINCIAL AGRICULTURIST-AKLAN, PINAGHAHANDAAN NA ANG EPEKTO NG NG EL NIÑO PHENOMENON SA PROBINSYA






OFFICE OF THE PROVINCIAL AGRICULTURIST-AKLAN, PINAGHAHANADAAN NA ANG EPEKTO NG NG EL NIÑO PHENOMENON SA PROBINSYA




Pinaghahandaan na ngayon ng Office Of The Provincial Agriculturist-Aklan ang posibleng epekto ng El Niño phenomenon sa bansa, partikular na sa probinsya ng Aklan.

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay Provincial Agriculturist Engr. Alexys Apolonio, sinabi nitong patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang matugunan ang ilang problema na kinakaharap ng mga magsasaka sa probinsya.

Aniya sa kabila ng inaasahang epekto nito na mararamdaman sa buwan ng Setyembre hanggang Oktobre ay mayroon nang mga sakahan na apektado ng matinding init ng panahon sa probinsya.

Napag-alaman na sa mahigit 1,700 hectares na sakahan sa East side ng probinsya ay mayroon lamang na nasa 220 hectares ang nagagamit, kung kaya’t aabot sa 1,500 hetares ang maituturing na vulnerable areas.

Dahil dito, ilan aniya sa mga hakbang na kanilang nais na maisakatuparan ay ang pagbibigay ng mga water pump sa mga magsasaka na makakatulong sa mga sakahan sa panahon ng tagtuyot.

Gayundin ang pagtanim ng mga alternatibong seedlings tulad ng monggo, mais o pakwan na kayang mabuhay sa mga sakahan sa kabila ng pabago-bagong panahon.

Ipinunto din nito na malabo pang makatanggap ng cash assistance ang mga magsasaka na apektado ng El Niño, dahil karaniwan lamang aniya itong ipinagkakaloob sa panahon ng sakuna o kalamidad

Samantala, matatandaan na una nang inihayag ng UN na mayroong 90 porsiyentong posibilidad na magpatuloy ang El Niño sa buong 2023.


Ni Teresa Iguid

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Maaari ring umorder thru shopee
https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog