MINI MS. U CONTESTANT NG IT’S SHOWTIME, KINAANTIGAN ANG NAGING PAYO KAY VICE GANDA
Inulan ng samu’t saring
reaksyon mula sa mga netizens ang mga makahulugang payo ng isang 7-anyos na
kalahok ng Mini Ms. U segment ng programang “It’s Showtime”.
Kung saan, nakaramdam ng
goosebumps ang mga netizens sa binanggit na mga ‘words of affirmation at wisdom’
ang batang si Annika na Mini Ms. U ng Munitnlupa City.
Kinaantigan din ng madla ang
binitiwang mga payo ng batang si Annika sa kanilang on-the-spot acting kasama
ang komedyanteng host na si Vice Ganda.
“Who cares if the others
don’t like you? I like you and everybody else does. What matters is somebody
still likes you. If some people don’t like you, then it’s fine. What’s
important is someone still likes you,” ilan sa mga payo ng batang 7-anyos kay
Vice Ganda na tila nagpaluha kay Anne Curtis.
Hindi naman inaasahan ng
komedyante ang ipinakitang kabaitan at pagiging totoo ng batang si Annika kahit
na ito’y parte lamang ng kanilang pag-arte.
“YOU SHOULDN’T BE WORRYING
ABOUT IF YOU’LL BE THE BEST IN THE WORLD. YOU HAVE TO BE THE BEST VERSION OF
YOURSELF”, pahayag pa ni Annika.
Gayunpaman, dahil sa taglay
nitong katalinuhan at nakakabilib na talento, tinanghal na Mini Miss U ng It’s
Showtime si Annika Co.
Ni Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-920
0 Comments