LALAKI SA CALIFORNIA,
NABIKTIMA NG ‘ROMANCE SCAM’; HALOS ₱14-M, NATANGAY
Halos wala nang natirang
pera sa isang lalaki sa California matapos itong simutin ng kanyang ‘online
girlfriend’.
Aabot lang naman kasi sa
$250,000 o halos ₱14-milyon ang natangay kay Norm Jones ng kanyang girlfriend
online.
Si
Norm Jones, 54-anyos ay nagtatrabaho sa isang telecommunications at
cybersecurity sa lugar ng Silicon Valley.
Napag-alamang
limang buwan pa lamang nitong kausap ang babae kung saan ito ang unang
nag-message sa kanya sa Facebook pati ang naghikayat sa kaniya na mag-invest ng
kaniyang buong life savings at retirement fund sa isang crypto scheme.
Hindi akalain ni Jones na
ang lahat ng kanyang ipon ay nasimot lahat pati na ang kanyang bahay ay
naibenta na rin.
Dahil dito, labis na dinamdam
ni Jones ang pangyayari na humantong pa sa muntikan nitong pagkitil ng kaniyang
buhay.
Patuloy naman ang pagpapagaling
ni Jones at ibinahagi nito ang kaniyang kuwento tungkol sa sinasabi ng mga
dalubhasa sa cybersecurity at ang pag-iwas sa suicide dulot ng romance scams na
hindi naisasapubliko.
Ni Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-920
0 Comments