“NEVER EVER DATE SOMEONE NA
WALANG PERA” – MIMIYUUUH
Marami ang nagpahayag ng
kani-kanilang opinyon sa naging pahayag ng kilalang social media personality na
si “Mimiyuuuh” sa sinabi nitong “never ever date someone na walang pera.”
Kamakailan, naging guest si
Mimiyuuuh sa isang video ng lifestyle magazine kung saan may isang di-kilalang
sender ang humihingi ng payo ukol sa kaniyang dating karelasyon.
“My ex and I broke up two
months ago. May utang siya sa akin na malaki, and hindi ko alam kung paano siya
sisingilin. Dapat sana magkusa siya since alam naman niya na dapat niya akong
bayaran. Ilang beses ko na siya na-message pero puro excuses lang. Paano ba
‘to?” tanong ng sender kay Mimiyuuuh.
Sinagot naman ito ni Mimi
kung saan umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.
Ani ni Mimi, “Unang-una,
bakit naman ho kasi kayo magjo-jowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali eh,
nag-jowa ka ng walang pera.”
“Hindi ko naman sinasabi na
it really matters… Dapat kasi stable ka muna sa sarili mo bago ka magdagdag ng
tao sa buhay mo,” dagdag pa nito.
Dahil dito, ilang netizens
ang nagkomento na tila “below the belt” umano ang mga naging pahayag nito
habang may ilan ding nagsabi na “matapobre” raw siya at hindi marunong lumingon
sa kaniyang pinanggalingang hirap.
Sa kabila nito, batid naman
ni Mimiyuuuh na marami ang hindi pabor sa kaniyang naging sagot ngunit
nanindigan pa rin ito sa kaniyang inilabas na video na may caption na “WAG
KAYONG MAGDATE NG MGA TAONG WALANG PERA!”.
Via Balita
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica
De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru
shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us
At: 0966-901-920
0 Comments